Mga Tuntunin ng Serbisyo
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga chat feature mula sa Google (ang "Serbisyo"), tinatanggap mo at sumasang-ayon kang mapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, sa Patakaran sa Privacy ng Google, at pati rin sa mga karagdagang tuntuning ito (sa kabuuan, “Mga Tuntunin ng Serbisyo”). Gumagana ang mga chat feature sa mga numero ng telepono, kaya maaaring dumaan ang mga ito sa iba pang service provider para maabot ang mga numero ng teleponong iyon. Sumasang-ayon ka na paminsan-minsan ay maaaring suriin ang iyong mga contact para sa mga capability ng chat feature para ibigay ang Serbisyo. Paminsan-minsan, ang Google ay maaaring makipagpalitan ng impormasyon ng iyong device, kabilang ang mga pagkakakilanlan ng device o impormasyon ng SIM, sa carrier mo para ma-verify ang numero ng iyong telepono at para ibigay ang Serbisyo. Hindi nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyong ito sa mga feature at serbisyong ibinibigay ng iyong carrier (hal., pagtawag at pagmemensahe gamit ang carrier, kabilang ang SMS/MMS/atbp.). Maaari mong itigil ang iyong paggamit ng Serbisyo sa pamamagitan ng pag-off nito sa mga setting ng iyong application para sa pagmemensahe.
Ang Serbisyo ay ibinibigay ng Jibe Mobile, Inc., isang subsidiary ng Google LLC.
Ang Serbisyo ay ibinibigay ng Jibe Mobile, Inc., isang subsidiary ng Google LLC.