Mga Tuntunin ng Serbisyo ng RCS chat

Sa pamamagitan ng paggamit sa RCS chat mula sa Google, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, Patakaran sa Privacy ng Google, at mga tuntunin ng RCS chat na ito (sama-samang tinatawag na “Mga Tuntunin ng Serbisyo”). Nagbibigay-daan ang RCS chat na makapagmensahe ka sa iba sa numero ng telepono nila, kaya dadaan ang mga mensahe sa Google, at sa ilang sitwasyon, sa iba pang service provider (gaya ng mga carrier o iba pang app sa pagmemensahe) para makaugnayan ang mga numero ng telepono na iyon. Sumasang-ayon kang puwedeng pana-panahong suriin ang iyong device at ang mga device ng mga contact mo para sa mga kakayahan ng RCS para tiyaking makakatanggap ka ng mga RCS chat. Puwedeng pana-panahong ibigay ng Google ang impormasyon ng iyong device (kabilang ang mga identifier ng device o impormasyon ng SIM card) sa carrier mo para ma-verify ang numero ng iyong telepono (posibleng may mga singil sa SMS), at para maihatid ang RCS chat. Puwede kang makatanggap ng mga singil sa data kaugnay ng paggamit sa RCS chat. Hindi nalalapat ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito sa anumang feature at serbisyo na ibinibigay ng iyong carrier (gaya ng pagtawag at pagmemensahe gamit ang carrier, kabilang ang SMS at MMS). Puwede mong ihinto ang paggamit mo sa RCS chat sa pamamagitan ng pag-off ng setting na ito sa Messages by Google.

Ang RCS chat ay inihahatid ng Jibe Mobile, Inc., na matatagpuan sa 1600 Amphitheatre Parkway, Mountain View, CA 94043 USA, at dito ka rin nakikipagkontrata. Kung mula sa European Economic Area o Switzerland ang country code ng numero ng iyong telepono, ang RCS chat ay inihahatid ng Jibe Mobile Limited, na matatagpuan sa 70 Sir John Rogerson’s Quay, Dublin 2, Ireland, at dito ka rin nakikipagkontrata. Sa ganitong sitwasyon, nalalapat ang Buod ng Mga Tuntunin na ito.